Martes, Mayo 28, 2013

Bahagi ng Pananalita


Bahagi ng pananalita

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Sa balarila, ang bahagi ng pananalita/panalita (InglesPart of speech), o kauriang panleksiko, ay isang lingguwistikong kaurian ng mga salita (o mas tumpak sabihing bahaging panleksiko) na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.
Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944) ni Lope K. Santos (kilala rin sa tawag na Balarilang Tagalog at Matandang Balarila) ay may sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay pangngalanpanghalippandiwapang-uripang-abaypantukoypangatnigpang-ukolpang-angkop at pandamdam. Sinimulan itong ituro sa mga paaralan sa Pilipinas noong 1940 matapos maipahayag ng dating Pang. Manuel Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa.
Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang pambansa (na kilala na ngayon bilang Filipino) ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa Matandang Balarila. Isa na rito ang Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan:
A. Mga salitang pangnilalaman (mga content word)
1. Mga nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.
b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali sa pangngalan
2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita
3. Mga panuring (mga modifier)
a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay
B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri
Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin) sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit bilang pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin.
Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalita bagama't higit pa itong nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng mga kasalukuyang lingguwistiko. Ito ay ang pangngalanpanghalippandiwapang-uripang-abaypangatnigpang-ukol at pandamdam.

Macario Sacay o Makario Sakay


Macario Sacay o Makario Sakay
Macario Sacay was a Filipino general in the Philippine Revolution against Spain and in the Philippine-American War.  He continued fighting against the United States even after Emilio Aguinaldo was captured in 1901 and the Americans officially declared the war over  in 1902.


A few people believe Macario Sacay was nothing more than a mere bandit.  That was how the Americans he fought against labeled him. He became a household name because of movies made about him, one biopic  was directed by Lamberto Avellana in the 1950s and another by Raymond Red in the 1990s, starring popular Filipino actor Julio Diaz.


Macario Sacay (also commonly spelled as Makario Sakay) was born in 1870 in Tondo, Manila. He made a living as a barber, tailor and occasional actor. In 1894, Sakay joined  and then became head of Dapitan, the Manila branch of the revoutionary organization Katipunan. He participated in battles against foreign forces alongside Andres Bonifacio.


Early in the Philippine-American War, he was arrested, but was granted amnesty in 1902. He soon founded the Republika ng Katagalugan (the Tagalog Republic) and he was its president. The Americans hunted him down and he was captured in 1906. He was brought to Bilibid Prison and convicted as a bandit. He was hanged in 1907.

ANDRES BONIFACIO



Talambuhay ni Andres Bonifacio

This biographical piece on Filipino revolutionary Andres Bonifacio was written in 1922. 

MGA TANONG AT SAGOT


1.—Sino si Andrés Bonifacio?—Siya'y isáng tunay na Pilipino na ipinanganak noong ika-30 ng Nobiyembre ng 1863 sa isang bahay na pawid sa pook na nasa sa harap ng himpilan ngayón ng pero-karil sa daang Azcárraga, Tundó, Maynila. Ang kanyang amá'y nagngangalang Santiago Bonifacio na ang hanap-buhay ay sastré at ang kanyang ina nama'y Catalina de Castro. Mga taal na taga Maynilà.

2.—Nagkaroon ba siya ng mga Kapatid?—Apat: sina Ciriaco, Procopio, Petrona at Troadio. Ang dalawang una at itong huli'y patay na at ang babai ay buhay pa. Ang babaeng ito ay siyang naging asawa ng nasirang bayaning si Teodoro Plata, isá sa mga masikhay na kasama ni Andrés Bonifacio.

3.—Ano ang kabuhayan ni Bonifacio?—Ang kaniyang mga magulang ay mga taong dukha kaya't siya nama'y isang taong mahirap.

4.—Ano ang kanyang Napagaralan?—Siya'y nagaral sa paaralan ng gurong si G. Guillermo Osmeña, sa pook ng Meisik, Binundok, Maynila. Datapwa nang siya'y tumutuntong na sa ika 14 na taon, ay namatay ang kanyang mga magulang at dahil dito'y naputol ang kanyang pagaaral. Siya noo'y maalam nang bumasa at sumulat ng wikang sarili (tagalog) at kastila.

5.—Ano ang kanyang ginawa ng siya'y maulila na?—Upang siya'y mabuhay at sampu ng kanyang mga kapatid, binatak ang sariling buto't siya'y nagbili ng mga tungkod (baston) at mga pamaypay na papel na ginagawa niya sa loob ng kanilang bahay. Gayon din ang ginawang hanap-buhay ng kanyang mga kapatid.

6.—Ano pa ang kaniyang ginampanang gawain upang mabuhay?—Nang si Bonifacio'y nakapagsanay na sa pagsulat, siya'y nasok na utusan sa bahay kalakal ni Fleming, at pagkaraan ng ilang panahon ay ginawa siyang kinatawan ng nabanggit na bahay-kalakal sa pag-bibili ng sahing, yantok, at iba pa.

7.—Nanatili ba siya sa tungkuling ito?—Hindi. Nang lumipas ang ilang panahon siya'y naging kawani (personero) sa bahay-kalakal nina Fressell & Co., na nalalagay sa daang Nueva, blg. 450. Maynilà. Ang sinasahod niya'y mga labingdalawang piso lamang sa isang buan. Patuloy pa rin siya sa paggawa ng mga tungkod at pamaypay, na itinitinda ng kanyang mga kapatid.

8.—Anong katangian, bukod sa kanyang hanap-buhay, ang tinataglay ni Bonifacio?—Siya'y mahiliging magsulat sa sariling wika at may magandang ayos ang kanyang sulat. Dahil dito, nakatutulong sa kabuhayan nilang magkakapatid ang paggawa ng mga tatak at paunawa sa mga kayong ipinagbibili rito sa atin.

9.—Siya ba'y mahiligin sa pagbabasa ng mga aklat?—Oo. nguni't ang kaniyang kinahihimalingang basahin ay yaong mga aklat na nakapagtuturo ng kabayanihan, tulad ng Kasaysayan ng himagsikan sa Pransiya, "Las Ruinas de Palmira," "Los Miserables," ni Victor Hugo, "El Judio Errante," Biblia, ang mga, aklat ni Rizal at ibá pa. Siya'y mahiliging totoo sa pagbabasa. May mga gabing halos di nakakatulog sa pagbabasá.

10.—Siya ba'y nagkaasawa?—Oo. Ang naging kabyak ng kanyang pusó'y pinapalayawan ng Oriang (Gregoria de Jesus) na ang sagisag "Lakambini," tagá Kalookan. Sila'y nagkaroon ng isáng anák na namatay.

11.—Ano't idinadakila ng Bayang Pilipino si Andrés Bonifacio at siya'y ipinalalagay na dakilang Bayani sa piling ni Rizal? —Sapagka't siya ang nagtayo at nahalal na pangulo ng "Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan," na pinagkautangan ng Bayang Pilipino ng kabayanihan sa pagusig ng kaniyang ikalalaya. "May-pagasa" ang sagisag niyá na "nangyari" bago siyá mamatay.

FILIPINO SHORT STORIES